Sunday, March 15, 2009

Maalaala mo Kaya

Ilang araw ko na ring ginusto na sumulat sa online blog / diary ko.. Sabi nga nung professor ko sa psychology, "writing is a good outlet to vent out frustrated feelings and emotions". Kaya, sisimulan ko ngayon ang isang walang kwentang paglalahad ng mga pangyayari sa aking napaka-boring at walang modong buhay.. >_<



Sa totoo lang napakahirap magsimula ng isang lathalain na walang topic na napag-isipan bago pa man likhain ang isang kwento.. Kaya't pagpa-sensyahan nyo na lang ang sulating ito at sana'y maunawaan nyo ang ibig ipahiwatig ng mga salitang ito at naway makayanan ninyong basahin ang napakahabang lathalain na to.. hahaha


Parang kelan lang ng pumasok ako sa mundo ng nursing.. natatandaan ko pa nun, nakasulat sa hallway papasok sa building ang mga katagang, "through these doors passed young men and women who have dedicated their lives to the practice of caring". lagot. caring pala pinasok ko.. nyahaha.. wala ata akong ganun.. natatandaan ko kasi simula noong bata pa ako, wala akong masyadong pakialam sa buhay ng ibang tao. pilosopiya ko kasi noon, na ang tao ay dapat pagtuunan lamang ng pansin ang kanyang sarili at wala ng iba.. ikanga sa ingles, "a man for his own".

sa simula pa lang di ko naman talaga ginusto ang pumasok sa nursing. sino ba naman kasi ang magkakagusto sa kursong ito na kung saan lubhang mahirap na nga makapasa eh wala pang kwenta pag-graduate mo kasi di ka kaagad makahanap ng trabaho.. dapat ka munang pumasa ng sangkatutak na mga exams bago mo makukuha ang pinakamimithi mong premyo.. ang makapasok sa estados unidos, the land of milk and honey.. nyahaha

ayon sa statistics na nabasa ko noon, sa 10 nursing graduate, 2 lamang daw ang mapalad na nakakapang-ibang bansa.. sino ba naman kasi ang tatagal sa higpit ng screening, dami ng applicants at hirap ng mga exams na dapat mong pagdaanan.. mas mabuti pa yata nag-caregiver na lang ako.. mas madali pang makapasok sa europa.. pounds na din un! mas lamang yata kontra dolyar.. nyahaha

pero di talaga yata plano ni Lord na ibang kurso kukunin ko.. dahil nauwi pa rin talaga ako sa nursing.. ang mga pinagpipilian ko kasi noong araw, eh biology, med tech o di kaya nursing kung wala na talagang mapasukan. biruin nyo naman, nakapasa na nga ako sa UP para sa kursong biology tsaka sa MSU at Ateneo, pinili ko pa ring pumasok sa nursing sa isang baguhang unibersidad.. marahil magtataka kayo kung ano kaya pumasok sa kokote ko ng mga oras na un.. ang totoo naiinggit kasi ako sa kapatid ko na nag-nunursing din noon.. nakakainggit kasi sabi nya sobrang challenging daw ng nursing.. "only for the brave of heart". kaya na-challenge talaga ako ng husto.. ako pa naman ang klase ng tao na challenges lagi sa eskwelahan hinahanap.. hehehe.. yoko kasi mapurol ang utak ko sa mga napakawalang-kwentang kurso gaya na lamang ng tourism na kung saan pagpapa-gwapo lamang ata dapat mong gawin para makapasa. at isa pa, nakita ko rin ang nursing bilang isang magandang pre-med course.

kaya dun nagsimula ang kalbaryo ko sa nursing. pinawisan kakahanap ng CI, nalipasan ng gutom sa haba ng mga lectures, napaiyak dahil di pa tapos sa mga requirements kahit madaling araw na, gumising ng maaga (4am) para sa morning shift duty,napuyat dahil sa night shift duty, naamoy lahat ng klase ng baho na nilikha sa mundong ibabaw gaya na lamang ng (ihi, tae, dugo, pasyenteng walang ligo, mga pasyenteng may kulang sa pag-iisip at ward ng mga ospital) , gumawa ng thesis, nakipag-away, nakipag-suntukan (uy wild! hahaha), nangopya, nagpakopya, nakakita ng ibat-ibang klase ng genitalia, tumakas sa ospital wyl on duty, natulog wyl on duty, tumawa, umiyak, nakipag-inuman at nagsunog ng kilay..

pero sa halos apat na taong paghihirap ko sa mundo ng nursing, ano nga ba ang natutunan ko dito? lumawak ba ang saklaw ng aking pag-iisip? bumuti ba ang relasyon ko sa kapwa? naging makabuluhan ba ang halos kalahating milyon na nagasto ko sa kursong ito (lol)?...

una sa lahat, natuto ako na dapat gamitin ang nursing process (ADPIE) sa lahat ng bagay. natuto ako papano magbigay ng ineksyon, kung anong bakuna dapat ibigay, mga ibat'ibang klase ng gamot at sakit, papano magbigay ng dextrose, papano maglinis ng pwerta ng babae, mag-arrange ng surical instruments, mag-ayos ng bedsheets (naku! challenging to!), mag-labor watch at kumuha ng blood pressure, temperature at pulso at napakarami pang iba.. haha

nalaman ko rin na kung papasok ka sa isang lecture na magsisimula ng 7:30 at matatapos ng 12:30, dapat bestfriend mo na si skyflakes at zest-o.. na-discover ko rin na tuwing exams, mas makabubuti kung nakatulog ka ng at least 4 hours at disaster pag pumasok ka na lasing at walang alam, natuto din ako na mortal na kasalanan sa nursing ang di gumamit ng gunting pang-gupit ng papel kasi nga depensa ng teacher ko, "nursing is an art". nalaman ko rin ang deeper meaning ng motto na, "it's better to be absent than to be late".

higit sa lahat, nalaman ko na mas magiging masaya at makabuluhan ang iyong nursing life kung marunong kang makisama sa mga taong mas may alam at owtoridad sau, at pati na rin sa mga makakatrabaho mo sa ospital, kaklase at mga kaibigan. nalaman ko na ibang saya ang dulot ng pagkakaroon ng malalapit na kaibigan na dumaramay sau sa panahon ng kalungkutan at pangungulila. nalaman ko na mas masarap ang fridays pag kasama mo ang barkada at kumakain kau sa tabi-tabi (pungko-pungko) o di kaya ay sa kahit anong restawran na trip nyo na abot sa budget.. natuto din ako na dapat ihiwalay ang puti sa de-kolor kung maglalaba kundi lagot ang mga puti mong uniform at briefs. nalaman ko na epektib ang bigyan ang sarili ng reward sa bawat paghihirap na natamo buhat sa pagsusunog ng kilay. nalaman ko rin na para tumagal ka sa propesyong ito, dapat kumpleto ka sa tatlong bagay na ito: nursing kit (kasama na dito ang BP apparatus, stethoscope, iba't ibang klase ng kulay ng ballpen, ruler, gunting, sinulid at karayom! oo adik talaga! hahaha) ,tibay ng loob at pagtitiwala sa sarili.. natutunan ko rin na hindi lamang sa eskwelahan napag-aaralan ang propesyon ng nursing, may mas magagaling pang lecture na nakukuha mula sa buhay ng iyong mga pasyente, buhay ng mga pangkaraniwang tao, at mga karanasan ng mga taong minsan ay nagmalasakit ka para iyong tulungan.

at higit sa lahat, nalaman ko rin na mas mabuti pala na may pakialam ka sa buhay ng iba dahil, gustuhin man natin o hindi, bawat aksyon na ginagawa natin kahit di natin sadyain ay may epekto sa buhay ng mga taong nakapaligid sa atin. kung ano man ang desisyon natin sa buhay, hindi lamang tau ang naaapektuhan kundi pati na rin ang ating mga kapamilya, kaanak, kaibigan, katrabaho at lahat ng mga taong pumapaligid sa atin.. kaya't imbes na sarili lang natin isipin natin, mas makakabubuti sa lahat kung ituon din natin ang ating konting atensyon tungo sa pangangailangan ng iba..



* Kahit ikaw ay parang batong manhid at walang pakiramdam, magingat- ingat ka naman dahil kahit ganyan ka hindi nasasaktan kaya mo namang makasakit. -Bob Ong

2 comments:

James Tank said...

maalaala pa daan, niundang nako basa. haha

Unknown said...

Napakahabang blog. Wag po. HAHAHAHA!